in

Aktwal na video ng magnitude 6.5 na lindol sa Eastern Samar, nag-viral sa social media

Kasunod nang nangyaring magnitude 6.1 na lindol na tumama kahapon ng hapon sa Zambales na higit na naka-apekto sa Pampanga, niyanig naman ng magnitude 6.5 na lindol kaninang 1:37 ng hapon ang Eastern Samar.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang epicenter ay naitala 19 kilometers northwest ng bayan ng San Julian.

Ang nasabing lindol ay tectonic ang origin na may lalim na 63 kilometers.

Dahil sa pangyayari, nag-viral sa social media ang mga ibinahaging CCTV footages nang maganap ang malakas na pagyanig sa Samar.

Inihayag naman ni Eastern Samar Congressman Ben Evardone na wala silang natanggap na matinding pinsala at nasawi sa kanilang lugar matapos ang lindol.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0