LP, Magdalo, at ilang media outfits, nasa likod ng destabilization plot laban kay Pangulong Duterte ayon sa Malacañang

LP, Magdalo, at ilang media outfits, nasa likod ng destabilization plot laban kay Pangulong Duterte ayon sa Malacañang

Kinumpirma ng Malacañang ang sabwatan ng opposition group na Liberal Party, Magdalo, at ilang media outfits sa umano’y planong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ito ay ginawa ng oposisyon para makatulong sa kanilang mga pambato sa pagka-Senador sa darating na eleksyon.

“The President has received intelligence information that has been validated and appears to show that there is deliberate attempt to discredit this administration, as well as to boost the candidacies of the opposition, senatorial candidates,” saad ni Panelo.

“And it appears that there are certain groups who are working together to achieve this goal. This group appears to be the Liberal Party. Some personalities identified as advocates or very active in social media, dishing out anti-Duterte statements and sentiments and validated to be allied with the Liberal Party,” dagdag niya.

“The other group by the way is Magdalo. It appears from this diagram that Liberal Party, the Magdalo and other groups indicated in the matrix are working hand in hand,” punto ni Panelo.

Matatandaan na naglabas ng matrix ang Malacañang ukol sa mga media outfits na gustong mapatalsik ang Pangulo, ilan sa mga kasama ay ang Rappler, Vera Files, Philippine Center for Investigative Journalism at National Union of People’s Lawyer.