fbpx
≡ Menu

Lasing na lalaki, ginahasa umano ang isang kalabaw sa North Cotabato

Lasing na lalaki, ginahasa umano ang isang kalabaw sa North Cotabato

Nanghihina umano ang isang kalabaw na parang naglilihi matapos gahasain ng lalaking lasing sa probinsya ng North Cotabato.

Dalawang babae ang saksi sa ginawang panggagahasa ng lalaki na pagmamay-ari ng kanilang kapitbahay sa isang barangay sa Midsayap sa naturang probinsya.

Dagdag ng mga saksi, na hindi pinangalanan para sa kanilang seguridad, tila nasarapan umano ang kalabaw habang ginagahasa ng suspek dahil tahimik ito at hindi nag-iingay.

At dahil sa takot ng mga saksi, agad silang humingi ng tulong sa mga kapitbahay na lalaki dahilan para tumakbo ang suspek.

Kinumpirma mismo ng may-ari ng kalabaw na nanghihina ang kanyang alaga, at parang naglilihi dahil minsan lang umano ito kumakain.

Naaalarma naman ang mga nakatira sa nasabing barangay, lalo na ang mga babaeng saksi dahil baka balikan sila ng suspek at sila ay gahasain.

Dahil dito, magro-ronda tuwing gabi ang mga opisyal ng barangay at mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team para mahuli ang suspek.