fbpx
≡ Menu

11 fiberglass motorized boats, ipamamahagi ng Duterte gov’t sa 22 mangingisdang sangkot sa Recto Bank incident

Ipamamahagi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) 11 sa 22 fiberglass boat na kanilang ipinangako sa 22 mangingisdang lulan ng lumubog na bangka sa Recto Bank sa West Philippines Sea.

Ayon kay BFAR-MIMAROPA OIC Director Elizer Salilig, unsinkable ang mga ibibigay na fishing boats na may kasamang marine engines at fishing gears.

Maliban sa 22 bangka, magbibigay rin ang Department of Agriculture (DA) sa pamumuno ni Secretary Manny Piñol ng tulong pinansiyal sa 22 mangingisdang nakaligtas.

Matatandaan na ikinalungkot ng kapitan ng fishing boat na si Junel Insigne ang na­ging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘little maritime incident’ lang ang nangyari at hindi na kailangan pang palakihin.

“Nalulungkot po ako sa sinabi ni mahal na presidente dahil po parang balewala po ‘yung pagbangga sa amin dahil maliit lang na ano ‘yun, na walang namatay sa amin,” ani Insigne.