Salvador Panelo, harapang binara si Karen Davila: Pres. Duterte want to shutdown the fraudulent practices of your TV network

Salvador Panelo, harapang binara si Karen Davila: Pres. Duterte want to shutdown the fraudulent practices of your TV network

Hindi umano literal ang mga sinasabing ipapasara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ABS-CBN.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi dapat seryosohin ang naging pahayag ng Pangulo kontra sa Kapamilya Network, na matatandaang babakuran umano nito ang franchise renewal ng ABS-CBN dahil hindi pinalabas ang kanyang campaign ads noong 2016.

“The President made utterances against ABS-CBN. He made certain statements like ‘I’ll shut down (ABS-CBN)’. But hindi naman literal ‘yun. He wants to shut down the fraudulent practices of your network,” ayon kay Panelo.

“You cannot deprive this man from expressing his displeasure, or disgust, or anger when he is a victim of fraud. Pero walang kinalaman ‘yun sa pag-grant or pag-renew because that is the job of Congress,” dagdag pa niya.

Pinalagan din ni Panelo ang pinapakalat ng ilang mainstream media na paninisi sa Pangulo ukol sa kasalukuyang estado ng prangkisa ng ABS-CBN.

“You are barking at the wrong tree. Palaging parang ang pinalalabas niyo, si Presidente ang may kagagawan ng kung hindi ma-renew o hindi, certainly not,” buwelta pa ni Panelo.

Sa ngayon ay hindi pa dinidinig ang franchise renewal ng ABS-CBN sa Kongreso kahit mapapaso na ang prangkisa nito sa March 30, 2020, na siniguro naman ni House Speaker Alan Peter Cayetano na pwede pa rin mag-operate hanggang pagtatapos ng 18th Congress sa 2022.

Ngunit nagsampa naman ng quo warranto petition si Solicitor General Jose Calida kontra sa prangkisa ng ABS-CBN, at humiling pa ng gag order para hindi makapagsalita ang network ukol sa kaso.