in

21-anyos college graduating student ng La Salle, brutal na pinatay at ginahasa sa Batangas

Isang estudyante ng De La Salle, na pamangkin ng magkapatid na pari, ang natagpuang patay at posibleng ginahasa sa kanyang apartment sa Lipa City, Batangas.

Kinilala ang biktima na si Fidex Therese Dimaculangan Maranan, 21-anyos, 4th year college student ng Dela Salle Lipa.

Ang hubo’t hubad na bangkay ng biktima, na tinakpan ng kumot at may saksak sa leeg, ay nadiskubre ng kanyang kamag-anak na si Romulo Maranan sa loob ng kuwarto ng nirerentahang apartment sa Miracle Heights Subdivision, Barangay Antipolo Del Norte.

Ayon kay Police Col. Ramon Balauag, hepe ng Lipa City Police, posibleng tatlong araw nang patay ang biktima, na pinaniniwalaang ginahasa muna bago pinaslang, batay na rin sa autopsy report.

Aniya, may mga pasa sa katawan at ulo ng biktima na tila pinalo ng matigas na bagay o iniuntog sa sahig.

Ang biktima ay pamangkin ni Monsignor Ruben Dimaculangan, na ngayo’y kura paroko ng St. Therese Parish sa Talisay, Lipa.

Ayon naman kay Father Nonie Dolor, dating radio station manager sa lugar, sinusuportahan na lang ni Dimaculangan at ng kapatid na si Quiel, isa ring pari, ang biktima matapos itong maulila.

Nag-iisa na lang din ang biktima sa lugar dahil nasa kani-kanilang destino ang magkapatid na tiyuhin nito.

Samantala, inaalam na ngayon ng pulisya sa pagkakakilanlan ng suspek at sa motibo nito sa krimen kaya nagsasagawa pa sila ng masusing imbestigasyon sa kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment