in

Konstruksyon ng LRT-1 extension project papuntang Cavite, sisimulan na sa Abril

Sisimulan na ang konstruksyon para sa Light Rail Transit Line (LRT-1) extension project hanggang Bacoor, Cavite, sa Abril, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Sa isang panayam kay Transportation Undersecretary for Railways Timothy John Batan, pormal ng sisimulan ang anila’y “actual works” sa proyekto matapos ang ilang taon na paghihintay ng publiko rito.

“Ito pong Abril na ito ay sa wakas mauumpisahan na po natin ‘yung tinatawag nating actual works doon po sa extension ng LRT-1 patungong Cavite. Matagal na po ito, madami na po tayong kababayan lalo ‘yung galing Cavite, galing sa area na ‘yun, na nagtatanong kung nasaan na ba ‘yung extension ng LRT-1,” ani Batan.

Ayon sa DOTr, ang LRT-1 Cavite extension project ay ikokonekta sa kasalukuyang Baclaran Station at target na matatapos sa 2021.

“Nakapaloob sa 11.7-kilometer railway extension project ang pagtatayo ng walong (8) bagong istasyon. Target ng Department of Transportation (DOTr) at Light Rail Manila Corporation (LRMC) na matapos ang proyekto sa 4th Quarter ng 2021,” ayon sa Facebook post ng DOTr.

Noong Oktubre 2018 ang orihinal na pagsisimula ng kontraksyon ng LRT-1 Cavite extension ngunit hindi ito natuloy dahil sa right-of-way issues.

“A lot of the right of way issues have been resolved, but for example, there are utilities that still need to be relocated, so once those are fairly complete then we can start construction. The right of way is already there, but sometimes it is not free and clear so there are still obstacles that are being fixed right now,” sabi ni Light Rail Manila Corp. (LRMC) president at chief executive officer Juan Alfonso.

Sa ilalim ng train extension project, inaasahang makatutulong ito sa 410,000 pasahero kada araw sa oras na ito ay magbukas.

Bukod pa rito, magiging 30-minuto na lang ang travel time ng mga pasahero mula Parañaque hanggang Bacoor mula sa 90-minuto.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0