in

Lalaking tinamaan ng Stage 4 Colon Cancer dahil umano sa paglalaro ng Mobile Legends, pumanaw na

Itinampok sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” ang kuwento ng isang lalaki na nagkaroon ng stage 4 colon cancer dahil umano sa paglalaro ng mobile games.

Sa mga Facebook post ni Michael Tumagan, makikita ang pinagdaanan ng isang binata na dating masigla at mahilig sa mobile games.

Sa loob ng dalawang taon ng paglalaro ay hindi natutulog nang maayos at nakakakain nang maayos si Michael hanggang unti-unti na itong nagkasakit at ma-diagnose siya na may cancer nitong 2018.

“Sa totoo lang po, ‘di ko po maiwasan ang emosyon ko. Kasi marami na po nadamay na organs. Hindi na rin po ako makagalaw,” sabi niya.

Ayon sa doctor ni Michael, genetic o namana ni Michael ang kaniyang sakit na Stage 4 Rectosigmoid Adenocarcinoma.

Hindi man dahil sa paglalaro ang sakit, hindi napansin ni Michael agad ang kaniyang mga sintomas dahil sa pagkaabala sa paglalaro ng Mobile Legends.

Basahin ang mga mensahe at pakikiramay ng mga kaibigan ni Michael:

RIP! Paalam mahal kong kaibigan ngayong kasama mo na si papa god at hindi kana magtitiis ng sobrang sakit. Isa kang hero kinaya mo lahat, nanalig ka wala nading magbabash at magsasabing scam. Mahal na mahal ka namin at mamimiss ka ng lahat na nagmamahal sayo. Bro, mamimiss ko ang mga hugot mo.

Ang sakit ng mabalitaan ko na wala kana bro. Hindi tumigil ang iyak ko kaya pala tingin ako ng tingin sa mga sapatos na galing sayo. Gayunpaman, ikaw ay hamak na fighter/hero kasama mo na si God no more pain no more battles na ikaw. We will miss you! Salamat sa mga taong tumulong at sa KMJS.

Hindi ko kinaya ang sakit sakit ng puso ko. RIP kuya Michael Tumagan. Sorry hindi kita ma dalaw super hina ko at ang promise ko ng June na puntahan ka namin is wala na.

Bakit sa dami ng tao ikaw pa ang nagka-cancer bakit hindi nalang yung mga taong masasama ang ugali.

Grabe ang lungkot ko ngayon kasi ikaw yung fans ng Pabebe Girls! Grabe yung asaran natin! Yung awayan pero still nag aayos naman tayo.

Nawalan nanaman ako ng kaibigan pero alam ko pahinga kana at nasa feeling kana ni Papa God.

Sana kapag nakausap muna si Papa God yung sinabe ko sayo noon niya ibigay niya yung lalakeng para sakin.

Mahal na mahal kita kuya ko, hinding hindi kita malilimutan.

Maraming salamat sa mga tao at kaibigan ko ng nagbigay ng donation. Si God na po ang bahala sa inyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment