in

Ina ng batang namatay sa tigdas sa Maynila, nagmamakaawa sa anak na bumalik

Isang video ang viral ngayon sa social media kung saan isang magulang ang nawalan ng anak dahil sa sakit na tigdas.

Ibinahagi ni Princess Mae Bolan ang video ng madamdaming tagpo at huling sandaling makakapiling ng isang magulang ang kanilang anak.

Sa video, makikitang kinakarga ng ama ang bata habang nagmamakaawa’t nagsusumamo naman ang ina na mabuhay muli ang kanyang anak.

Mapapansin din na kinakalma ang ina ng bata na tila nawawala na sa sarili sa sobrang hinagpis

Sinabi naman ng ina ng bata na nilalamig na umano ang kanyang anak kaya tinakpan nila ng isang kumot at sinimulan din niyang yakapin.

Sa ngayon, idineklara ang measles outbreak sa Metro Manila, Calabarzon, Central Luzon, Western Visayas at Central Visayas.

Ang mga sintomas ng tigdas ay lagnat, ubo, sipon, pamamaga ng lalamunan, pamumula ng mata at koplik’s spots.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0