fbpx
≡ Menu

Bahay ng founder ng investment scam na Forex o FRX Rice Trading, pinasok ng mga investors na naloko

Bahay ng founder ng investment scam na Forex o FRX Rice Trading, pinasok ng mga investors na naloko

Tinatayang P23 million ang narekober ng mga awtoridad sa inilusob na safe house ng isang investment company sa Nasipit, Agusan del Norte.

Nagsanib puwersa ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Nasipit Municipal Police Station, at 4th Infantry Division ng Philippine Army matapos silang makatanggap ng ulat na sangkot umano sa investment scam ang kompaniyang FRX Rice Trading Investment.

Nagkasa ng operasyon ang mga awtoridad at sinalakay ang safe house sa District 2, Brgy. Cubi-Cubi, sa bayan ng Nasipit, Agusan del Norte.

Walang naaresto sa nasabing safe house matapos makatunog ang mga suspek ngunit bulto-bultong pera ang narekober dito kasama na ang tatlong money counting machine at mga dokumento.

Ayon kay Sabi ni Police Lt. Col. Chulijun Caduyac, hepe ng CIDG-Region 13, paglabag sa Securities Regulation Code of the Philippines ang ginagawa ng kompanya.

Samantala, pinasok ng mga nalokong investors ang bahay ng nakatakas na suspek habang kanya-kanyang puslit ng gamit na mapapakinabangan sa loob ng bahay at kinuha na rin pati ang isang pick up na sasakyan.

Ang crackdown sa iba pang mga pyramiding scams sa Mindanao ay kasabay din sa naunang pagpapasara sa kontrobersyal na KAPA o Kabus Padatoon ni Pastor Joel Apolinario.