in

Leni Robredo handang pumalit kay Pangulong Duterte sakaling ideklara ang revolutionary government

Handa umano si Vice President Leni Robredo na pumalit kay Pangulong Rodrigo Duterte kung sakaling magdeklara man ito ng revolutionary government.

Sa panayam kay Robredo sa launching ng “Ahon Laylayan” coalition sa Tagbilaran City sa Bohol ay sinabi niyang bahagi iyon ng kanyang mandato.

“Iyong pagdeklara ng Pangulo ng revolutionary government, medyo nagulat ako dahil abogado siya, at alam niya na labag ito sa Konstitusyon,” ani Robredo.

Lahat naman aniya ng kumandidatong bise presidente ay dapat handa sa sitwasyon sakaling kailanganin siyang maupo bilang Pangulo ng bansa.

“Lahat naman ng kumakandidato (ng) pangalawang pangulo dapat ready sa ganyang eventuality. Kasi yun naman ang mandato ng opisina,” saad ni Robredo

Giit ni Robredo nalabag sa Saligang Batas ang pagdedeklara ng revolutionary government dahil kapwa sila nanumpa sa kanilang tungkulin nang maluklok sa pwesto.

“Medyo nagulat ako dahil abogado siya at alam niya labag ito sa Constitution. Hindi siya naaayon sa Constitution. Kaming dalawa pareho nanumpa na ipagtanggol ang Constitution ng Republika ng Pilipinas. Pag nag-deklara siya ng revolutionary government ang gusto ba nito sabihin inaabandona niya yung kanyang pinanumpaan?” aniya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0