Pangulong Duterte, dumating na sa China; dagdag na ‘Build, Build, Build’ projects target sa ika-4 na pagbisita

Pangulong Duterte, dumating na sa China; dagdag na ‘Build, Build, Build’ projects target sa ika-4 na pagbisita

Dumating na si Pangulong Rodrigo Duterte sa China, Miyerkules ng gabi, Abril 24, para dumalo sa infrastructure forum at makipag-pulong sa mga lider ng bansa.

Lumapag sa Beijing International Airport ang eroplanong lulan ang Pangulo at delegado nito alas 7:40 ng gabi at tinanggap sila ng mga opisyal ng China at Pilipinas.

Kasama din ng Pangulo ang partner na si Honeylet Avanceña at anak nilang si Veronica sa four-day visit.

Nasa China ang Pangulo para sa 2nd Belt and Road Forum for International Cooperation mula Abril 25 hanggang 27.

“The Forum is an opportunity for the Philippines to explore synergies on connectivity initiatives. This includes projects under the BRI, and the country’s Build, Build, Build and other development programs,” pahayag ng Palasyo.

Sisimulan sa Huwebes, Abril 25, ang official engagements ng Pangulo kina Chinese President Xi Jinping at Chinese Premier Li Keqiang.

“Prior to the Forum, the President will meet with President Xi Jinping and Premier Li Keqiang to take stock of key developments in bilateral relations and regional affairs,” saad ng Palasyo.

Una nang sinabi ni Philippine Ambassador to Beijing Jose Santiago “Chito” Sta. Romana na pag-uusapan ng mga lider ng dalawang bansa ang ilang isyu kabilang ang agawan ng teritoryo sa rehiyon.

Ito na ang ika-4 na beses na pagpunta ng Pangulo sa China at layon nito ang dagdag na mga proyektong pang-imprastraktura para isulong ang “Build, Build, Build” projects ng kanyang administrasyon.