in

Bato Dela Rosa, pinabilib ang pro-Duterte supporters sa idinaos na debate laban sa Otso Diretso

Sa idinaos na debate ng CNN Philippines, nagkaroon ng pagkakataon ang mga senatoriable candidates na ipamalas ang kanilang galing at talino.

Marami ang nagpunta mula sa Otso Diretso dahil kailangan umano nila ng publicity dahil lagapak ang kanilang mga kandidato sa nagdaang survey.

Sa pro-administration at independent naman ay hindi rin natinag sina Bato Dela Rosa, Atty. Glenn Chong at Raffy Alunan

Maraming netizens ang napabilib kay dating PNP Chief Bato dahil mag-isa niyang binuhay ang debate at sinalag ang lahat ng banat ng mga kandidato ng Otso Diretso.

Dito, isa-isang sinagot ni Dela Rosa ang banat ng mga kandidato ng oposisyon.

Ipinunto niya ang mga usapin sa West Philippine Sea dahil puro ngangaw ang mga dilawan pero sa kanila naman nagsimula ang problemang ito.

Isa rin sa naging highlight ng debate ay ang akusasyon ni Florin Hilbay na pumalpak umano ang ‘war on drugs’ campaign ng administrasyong Duterte.

Hindi naman nakapagtimpi si Dela Rosa at agad na sinagot si Hilbay.

“How dare you say that the war on drug is a failure? Napakasakit sa amin (mga pulis). Marami sa amin ang namatay sa gyera na ito. Failure pa rin? Paano mo ngayon sasagutin ang survey ng SWS na nagsasabi na 66.66% of Filipinos believed that the number of drug addicts in their area has gone down? Paano mo iyan masasabi?” resbak ni Bato kay Hilbay.

Hindi maikakaila na marami ang matatalinong kandidato, maraming bright ideas pero dapat matuto tayo na hindi naman talino ang kailangan kung hindi ito maisasakatuparan.

Naniniwala naman ang netizens na ang mga sagot ni Dela Rosa ay galing mismo sa sarili niyang experience sa public service.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment