≡ Menu

P10-M typhoon-resistant rice storage dome sa Cagayan, ibinida ng Duterte administration

P10-M typhoon-resistant rice storage dome sa Cagayan, ibinida ng Duterte administration

Ibinida ni Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol ang P10 million monolithic dome sa DA-Southern Cagayan Research Center sa Minanga Norte sa Iguig, Cagayan.

Ang nasabing dome ay magsisilbing imbakan ng mga produktong agrikultura, katulad ng mga binhi at iba pang ani sa probinsiya ng Cagayan.

Ito ay may sukat na 8.5 metrong taas, 15m lawak, at 30m haba na may climate-smart technology na kayang tumayo sa panahon ng mga kalamidad katulad ng signal 5 na bagyo at malakas na lindol.

“The state-of-the-art warehouse will be a breakthrough in the region’s agriculture sector, particularly for seeds storage to maintain seed viability and quality. This can also be used as human shelter or evacuation center during calamities, cold storage for agricultural products and many others,” saad ni DA Regional Executive Director Narciso Edillo.

Ang isang monolithic dome ay istruktura na nasa pormang one-piece form, na maaaring permanente o panandalian, at maaari o ‘di maaaring maging bahagi ng isang tapos na istruktura.

BASAHIN ANG BUONG POST NI SEC. MANNY PIÑOL MULA SA KANYANG FACEBOOK ACCOUNT: