in

Peter Joemel Advincula alyas Bikoy, natuluyan na? Isinugod sa ospital matapos ang rebelasyon laban sa LP

Nakaramdam umano ng pananakit ng dibdib si Peter Joemel Advincula alyas Bikoy, isang araw matapos umamin na sangkot ang Liberal Party (LP) at ilang opposition senators sa planong pagpapabagsak sa administrasyong Duterte.

Ayon sa press briefing ni Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde, kanilang dinala si Advincula sa PNP General Hospital dahil sa pag-akyat ng blood pressure nito.

Mababatid na humarap sa publiko si Advincula para sa bagong rebelasyon na sinabing ang LP, sina Sen. Antonio Trillanes IV, Sen. Risa Hontiveros at Sen. Leila de Lima ang umanoy mastermind ng ‘Ang Totoong Narcolist’ videos.