in

Founder ng Kapa Ministry International na si Pastor Joel Apolinario, may plano umanong umalis ng bansa

Ni-raid na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tinitirhan ng founder ng Kapa Ministry International Inc. o Kabus Padatoon (KAPA) at mga opisina ng dalawang kooperatiba sa General Santos City at Sarangani na umano’y nag-o-operate ng illegal investment pyramiding scheme.

Inihahanda na rin ng NBI ang kasong large scale at syndicated estafa na kanilang isasampa laban sa mga opisyal ng KAPA.

Sinabi ng NBI, may nauna na ring kasong estafa ang KAPA founder na si Pastor Joel Apolinario sa sa Bislig, Surigao pero inareglo umano niya ang mga biktima.

Samantala, ibinahagi ni Xian Gaza sa social media ang umano’y planong pag-alis ng bansa ni Pastor Apolinario sa susunod na linggo habang tangay ang mga pera na ininvest ng mga miyembro nito.

Matatandaan na ang magkakasunod na raid ay matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duturte ang crackdown laban sa mga operator na sangkot sa “pyramiding” investment schemes lalo na sa Mindanao matapos ang mga reklamo ng pag-solicit ng KAPA ng investments sa pamamagitan ng mga donasyon na may interest rate na 30% kada buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment