≡ Menu

Raffy Tulfo, nangangamba sa buhay ni Erwin matapos tanggalan ng lisensya at dis-armahan ng baril

Raffy Tulfo, nangangamba sa buhay ni Erwin matapos tanggalan ng lisensya at dis-armahan ng baril

Muling nagsalita ang broadcaster na si Raffy Tulfo sa kanyang programang “Raffy Tulfo in Action” tungkol sa isyu ng kapatid na si Erwin Tulfo kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) DRolando Bautista.

Matapos kasi i-recall ng Philippine National Police (PNP) ang security at maritime escorts ni Erwin Tulfo at ng kanyang mga kapatid.

Nakarating ngayon sa kaalaman ni Raffy na ipinag-utos ng Firearms and Explosives Office (FEO) ng PNP na agarang ideposito sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya ang pag-aaring baril ni Erwin.

Ayon kay Raffy, hindi na daw dapat siya magsasalita tungkol sa isyung kinakaharap ni Erwin pero nangangamba siya sa kaligtasan ng kanyang kapatid dahil sa mga banta sa buhay nito.

“Ang magiging sunod na move po niyan, siya po ay didis-armahan… Masakit po sa akin dahil isa po ako sa nag-udyok kay Erwin na mag-apologize at sinunod niya po yun,” sabi ni Raffy.

“Ano pong gusto niyong palabasin? Hindi na po magiging level ang playing field dito. Sobra na kaya I really have to react,” aniya.

“Kasi nga naman po, kung sakali mang dumating yung hindi inaasahan dahil wala nang security si Erwin, ang panlaban na lamang pokapag may nag-ambush sa kaniya, atleast he can draw his gun,” dagdag ni Raffy.

Nalagbas ng hinanakit si Raffy dahil isa siya sa naghikayat kay Erwin na humingi ng paumanhin kay Baustista.

“Kung nagpakumbaba na po yung tao, sumurender na, nakataas na ang kamay, bakit hindi niyo pa rin matanggap… Sobra na, tama na, labis na po yan,” ayon pa kay Raffy.

Ipinaalala din ni Raffy sa mga nagbabalak na tanggalan ng armas si Erwin na isa ang kapatid niya sa masugid na tagapagtanggol at sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Para sa kaalaman po ninyo… Kung sino man kayo na nagalit kay Erwin na nasa gobyerno din. Si Erwin is one of the most fiercest defender ni President Duterte. Namo-monitor ko po kung paano niya dinedepensahan ang Pangulo… Sa mga tao o grupo na naninira o nambabatikos sa Pangulo,” ani Raffy.

PANOORIN: SOBRA NA, TAMA NA, LABIS NA PO YAN! IDOL RAFFY NANGANGAMBA SA BUHAY NI ERWIN
https://www.youtube.com/watch?v=q54qi57TqZI