$500M loan ng Pilipinas sa World Bank upang palakasin ang pandemic response, inaprubahan na

$500M loan ng Pilipinas sa World Bank upang palakasin ang pandemic response, inaprubahan na

Inaprubahan na ng World Bank ang $500 million o P22 billion loan upang tulungan ang Pilipinas sa pagtugon sa impact ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Makatutulong ang pondo sa mahihirap na pamilya at magbibigay ng financial assistance sa small at medium enterprises na labis na apektado ng pandemic.

“The COVID-19 pandemic has badly hurt millions of poor and vulnerable Filipino families, particularly daily wage earners,” pahayag ni Achim Fock, World Bank Acting Country Director for Brunei, Malaysia, Philippines and Thailand.

“This new financing can help with the delivery of financial support for struggling families and communities while the country is ramping up efforts to contain the pandemic and reduce its economic impact,” dagdag pa niya.

Sinusuportahan ng Philippines Emergency COVID-19 Response Development Policy Loan ang cash aid ng pamahalaan para sa pinakamahihirap na 18 million na pamilya, 4.3 million na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), mga umuwing overseas worker, at iba pang programa.

Tutulungan din nito ang small at medium enterprises na kasalukuyang tinutulungan ng P51 billion wage subsidy program ng pamahalaan.

“We thank the World Bank for its prompt action on this financial support for the Duterte administration’s efforts to provide immediate relief to poor and low-income Filipinos plus small business workers who lost their income as a result of the work stoppages induced by the coronavirus pandemic,” pahayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez III.

“This swift loan approval underlines the strong international confidence in the government’s capability to meet the massive financial requirements of containing this global health emergency,” dagdag pa niya.

Nabatid na una ng inaprubahan ng World Bank ang ilang financial packages upang tulungan ang bansa sa coronavirus response nito.

Nagpadala ng mahigit $160 billion ang grupo bilang financial support sa mga susunod na buwan upang tulungan ang mga bansang pangalagaan ang mga mahihirap, suportahan ang mga negosyo at palakasin ang pagrekober ng ekonomiya.