in

Netizens, binigyang–pugay ang mga sundalo na nagbigay seguridad sa katatapos na halalan

Higit sa 800,000 ang mga pulis at sundalo kabilang ang iba pang government personnel ang itinalaga para matiyak na magiging maayos ang katatapos na halalan.

Dahil dito, isang netizen ang nagbigay–pugay sa ilang mga sundalo.

Sa isang Facebook post ni Edrian Obenita Resueño, makikita ang mga larawan ng mga sundalong pagod na nagpapahinga sa sahig matapos masigurong maayos at ligtas ang 2019 midterm elections.

Ayon sa caption ni Resueño na, “Our troops after securing your votes, giving their best to give you an honest, orderly and peaceful election. Be proud! Mabuhay ang mga sundalo, pulis at guro!”

Ilang netizens ang nagpahayag din ng kanilang paghanga at pagsaludo sa ginawa ng mga sundalo para mapanatili ang seguridad sa iba’t-ibang rehiyon dahil sa presensya ng mga rebelde, private armies, at matinding away politika ng mga magkakalabang kandidato.

“My highest respects to the army, police, teachers, watchers and all volunteers who served a peaceful and honest elections.”

“Salute to all the soldiers, policemen and teachers servants of our nation on guarding our election. Thank you for all of you, job well done.”

“God bless all of you for securing the election of our country, but please, hanggang sa bilangan sana at pagsesecure ng mga VCM.”

“Binubuwis nila ang buhay nila para sa bayan dapat tumbasin ng mga nanalong kandidato ng katapatan ang tungkulin nila para sa Bayang Pilipinas.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0