Pangulong Duterte, inaprubahan na ang travel ban sa mga manggagaling ng Hubei province at mga lugar sa China na tinamaan ng coronavirus

Pangulong Duterte, inaprubahan na ang travel ban sa mga manggagaling ng Hubei province at mga lugar sa China na tinamaan ng coronavirus

Sa wakas ay nagpalabas na rin ng travel ban si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Chinese nationals na manggagaling sa Hubei province kung saan nakapaloob ang Wuhan City na pinanggalingan ng 2019 novel coronavirus (2019-nCoV) at maging sa ibang lugar sa China kung saan kumalat na ang nasabing sakit.

Kapwa inirekomenda nina Senador Bong Go at DOH Secretary Francisco Duque III ang pagpapalabas ng travel ban.

“Nais ko pong ipaalam sa publiko na nakausap ko po si Pangulong Rodrigo Duterte at inirekomenda ko ang pag-impose ng temporary travel ban upang maprotektahan ang ating mga kababayan sa pagkalat ng coronavirus. Sang-ayon po si Pangulo na iimplementa ang temporary travel ban sa mga manggagaling mula Wuhan City and the entire Hubei province ng China,” ani Go sa isang pahayag.

“The President and concerned government officials are also studying the possibility of imposing temporary travel restrictions for those coming from other places affected by the infection. Rest assured that the Duterte administration takes this threat seriously,” wika pa nito

Una nang sinuspinde ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pag-iisyu ng visa sa mga biyahero mula sa Hubei, alinsunod sa Inter-Agency Task Force sa 2019-nCoV resolution.

Sinuspinde na rin ng Bureau of Immigration (BI) ang Vise Upon Arrival program para sa mga Chinese national upang mabawasan ang group tours ng mga ito sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na magtatagal ang travel ban hangga’t hindi natatapos ang banta ng coronavirus.

Hangad ng pamahalaan na matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan dahil iyon ang pangunahing nasa isip ni Pangulong Duterte.

Kahapon ay kinumpirma ng DOH ang kauna-unahang kaso ng nCOV sa bansa.

Ito ang nagpaangat ng serious concern ng administrasyon sa kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayang Pilipino.

Dahil dito, agad na inatasan ng Pangulo ang DOH na simulan ang protocols na inihanda nito sa ganitong mga pagkakataon upang sugpuin at i- neutralise ang transmission at pagkalat ng coronavirus.

Sa ulat, ang Chinese woman na mayroong nakamamatay na sakit ay nanggaling sa Wuhan City, lumipad patungong Hongkong, at pagkatapos ay sa Cebu, at pagkatapos ay sa Dumaguete at sa huli ay lumapag sa NAIA.

Kasalukuyan itong naka-confined sa San Lazaro Hospital sa Lungsod ng Maynila.

Gaya ng sinabi ni DOH Secretary Duque, ang nasabing pasyente ay ginagamot at isolated.

“There is no way that she will transmit the disease to another person as the hospital personnel are protectively dressed and their mouths and noses covered with surgical masks plus their hands covered with globes,” ayon kay Sec. Panelo.

Tiniyak naman ng DOH na ginagawa ang lahat ng pamamaraan para sugpuin ang pagkalat ng nakamamatay na virus.

Masusing minomonitor ng departamento at kagyat na ilalagay sa quarantine ang mga taong magpapakita ng sintomas na mayroon silang nCov.

Samantala, hiniling naman pamahalaan sa publiko na sundin ang payo ng DoH na ugaliin ang personal hygiene bilang preventive measure gaya ng regular na paghuhugas ng kamay at pagsusuot ng surgical masks lalo na kapag nagpunta sa matataong lugar.