in

Dingdong Dantes, iginiit na inabuso ni NYC Chair Ronald Cardema ang sistema para maging kongresista

Binanatan ng tirada ng dating commissioner ng National Youth Commission (NYC) na si Dingdong Dantes si Ronald Cardema dahil sa paghahain nito ng substitution para sa Duterte Youth party-list habang namumuno sa komisyon.

Ayon kay Dingdong, tila mali ang timing ng pagbibitiw ni Cardema na isang araw lamang bago ang eleksyon.

Saad ni Dingdong na posibleng nagamit ni Cardema ang kanyang position para ikampanya ang Duterte Youth party-list at kung balak nitong mag-substitute ay dapat aniya ay ginawa na noong una pa lang.

“Kung may balak siyang maging Congressman noong una pa lang, nararapat lang na nag resign siya bilang NYC Chairman. Pwede bang nagising na lang siya isang araw at nag-decide na trip niya? Maaari kasing nagamit ang ahensya upang magkaroon siya ng unfair advantage noong kampanya,” saad ni Dantes.

Gusto ring paimbestigahan ni Dingdong ang biglaang pag-back out ng lahat ng tumakbong nominee ng Duterte Youth na nabatid matapos magpapalit ni Cardema sa party-list.

“Malinaw din naman ang batas kontra sa partylist na tumatanggap ng kahit anong suporta o may koneksyon sa gobyerno. Nakakalungkot na bilang pangunahing representante ng kabataan ay lumalabas na nakikisali siya sa pagabuso at pag-circumvent sa Party-list system,” giit ng aktor.

Samantala, inihayg ng Malacañang na naghahanap na si Pangulong Rodrigo Duterte ng papalit kay Cardema matapos nitong magsumite ng petisyon sa Commission on Elections (Comelec) na palitan ang kanyang asawa bilang First Nominee ng Duterte Youth na nakapasok sa nakaraang halalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment