in

Antonio Trillanes, isasalang sa Senate investigation kaugnay sa Project Sodoma at Bikoy propaganda videos

Nais paimbestigahan ni senator-elect Christopher “Bong” Go si outgoing Sen. Antonio Trillanes IV kaugnay sa planong pagpapabagsak sa administrasyong Duterte.

Ito ay makaraang aminin ni Peter Joemel Advincula alyas “Bikoy” na si Trillanes ang mastermind ng “Ang Totoong Narcolist” video na nagsasangkot sa pamilya Duterte sa iligal na droga sa bansa.

Sa isang panayam ay sinabi ni Go na hintayin na lamang ni Trillanes ang subpoena para sa kanya.

Sa unang araw ng Hulyo magsisimula ang termino ni Go bilang senador.

Sinabi pa ni Go na noon pa man ay alam na ng lahat ang plano ni Trillanes laban sa administrasyong Duterten.

Inakusahan rin si Trillanes at ang Liberal Party (LP) na may pakana sa “Project Sodoma” na layon umanong pabagsakin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment