≡ Menu

Pangulong Duterte, nakamonitor sa sitwasyon ng Taal Volcano at sa mga aksyong ginagawa ng ibat ibang ahensya ng pamahalaan

Pangulong Duterte, nakamonitor sa sitwasyon ng Taal Volcano at sa mga aksyong ginagawa ng ibat ibang ahensya ng pamahalaan

Hindi nagpatali si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang tahanan sa Davao at panoorin na lamang ang mga nangyayari sa mga mamamayan ng Batangas City matapos na mag-alboroto ang Taal Volcano at maglabas ng ashfalls.

Ayon kay Senador Bong Go, personal na mino-monitor ni Pangulong Duterte ang lagay ng nag-aalburutong bulkan.

Sinubukan aniya ng Pangulo na pumunta ng Manila kahapon subalit hindi natuloy dahil sa makapal na usok at abo na ibinubuga ng Taal Volcano.

Sa katunayan ay tuloy ang naka-iskedyul na event nito mamayang hapon. Ito ay ang pagbisita sa Philippine Marine Corps PMC Gymnasium Philippine Marine Corps (PMC) sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Samantala, ipinag-utos na ng Batangas Provincial Disaster Management ang preemptive evacuation sa mga residente malapit sa nasabing bulkan.

Kasunod ito ng naitalang phreatic eruption ng Taal Volcano pasado alas-2 ng hapon, kahapon.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, kabilang sa mga apektado sa pagbuga ng abo ng bulkan ay ang mga bayan ng Talisay, Balete, at San Nicolas sa Batangas.

Sa ulat ng PDRRMC, nasa 8, 000 residente at mga turista ang inililikas bunsod ng pagsabog ng bulkan.