in

Isko Moreno, bibilhin ang mga basura ng taga-Maynila; dugyot na Maynila bilang na ang araw

Nais ni Manila Mayor Isko Moreno na bilhin ang basura ng mga taga-Maynila bilang bahagi ng kaniyang programa na bawasan ang basura ng lungsod.

Sa isang panayam, sinabi ni Moreno na imbes na pera ay makakakuha ang mga magbebenta ng mga basura ng mga coupon na maaaring ipapalit para sa bigas at de lata.

“Bilang dating basurero… ‘yung basura mo, bibilin ko po ‘yun kasi nakita ko na if you would stimulate or put these incentives, baka mahikayat, mabuhayan ang tao,” aniya.

Layon din ni Moreno na ibalik ang mga Metro Aide o ang mga regular na street sweeper ng lungsod.

“Umaga pa lang makikita niyo may nagwawalis na. Tanghali may nagwawalis. Hapon may nagwawalis. So continuous, honest to goodness na paglilinis,” sabi pa ni Moreno.

Isa pang plano ng bagong alkalde ang i-redevelop Binondo bilang business district, at ang Pandacan, na dating oil depot, bilang green area.

Bukod dito, magtatayo rin siya ng in-city housing sa Delpan para sa urban poor families.

“Para mapakita kung totoo laway, ko I’ll start it there. It can be a model to any local government unit then I’ll go to Baseco then to Parola,” aniya.

May balak din si Moreno na ibaba ang real estate at business taxes sa lungsod.

“It’s a humbling experience. Yung results kasi overwhelming. Scary, in a way people are expecting more now. Nakaka-tense,” ani Moreno.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment