in

Mayor Sara Duterte kay VP Leni Robredo: She is not called fake VP for no reason

Ibinalik ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang isyu ng ‘honesty’ at ‘integrity’ kay Vice President Leni Robredo.

Sa inilabas na pahayag ni Mayor Sara, sinabi nitong dapat iwasang magkomento ni Robredo dahil ang pagiging tapat nito ay nakuwestiyon na sa unang araw pa lang sa kanyang puwesto sa gobyerno.

Kaya aniya binansagan siyang “fake VP” dahil sa pagdududa ng mga Pilipino sa pagkapanalo nito, at patunay dito ang kinakaharap na electoral protest dahil sa paniwalang dinaya ang pagkapanalo nito noong 2016 elections.

“Leni Robredo should avoid commenting about honesty and integrity. Her honesty has been questioned since day one of her term as Vice President. She is not called fake VP for no reason. She has tried to copy her late husband but has failed at every turn. She is facing an electoral protest for massive fraud during the 2016 elections,” ani Mayor Sara.

Bukod sa pagdududa sa kanyang pagiging VP, sinabi ni Mayor Sara na hindi pa rin sinasagot ni Robredo ang alegasyon sa kanyang pagkakaugnay sa isang may-asawa.

Ito aniya ang dahilan kaya hindi pamantayan ang good moral character para tumakbo sa pagka-bise presidente dahil maraming Leni Robredo sa mundo.

“She has refused to answer allegations of her relationship with a married man. She may or may not get away with these but we all know she is not forthcoming in everything. The reason why good moral character is not a requirement to run for Vice President is because we have so many Leni Robredos in this world,” dagdag pa ni Mayor Sara.

Idinagdag pa ni Mayor Sara na kung patuloy na igigiit ni Robredo ang pagiging tapat para kumandidato, dapat aniyang tigilan na nito ang kanyang ambisyon na maging Pangulo.

“And if she insists in saying that you have to be honest to run for public office, then she must say goodbye to her dreams of becoming President,” wika pa ni Mayor Sara.

Nauna rito inihayag ni Mayor Sara na hindi pamantayan ang pagiging ‘honest’ para tumakbo sa isang puwesto na agad umani ng komento at reaksiyon mula sa oposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment