fbpx

Lalaki, nag-amok dahil mabilis naayos ng technician ang kanyang sirang cellphone



Kumakalat ngayon sa social media ang isang video ng lalaking galit na galit sa isang technician matapos maayos agad ang kanyang cellphone.

Nakuhanan sa video ng isang netizen ang paghahamon ng lalaki nang singilin siya ng technician matapos nito mapagana ang umano’y sirang cellphone.

Giit ng lalaki na wala pang sampung segundo nang mapagana ang kanyang cellphone pero P300 ang sinisingil sa kanya.

Makikita sa video ay inaaya ng lalaki ang technician na magpunta sila sa barangay at babayaran ito ng P1000.

Ayon sa technician, pinindot lamang nito ang volume at power kaya nito napagana agad ang cellphone ng nag-aalburotong lalaki.

Ayon naman sa nag-upload ng video, naghamon umano ang lalaki at nagtangka na pasukin ang technician sa loob ng kanyang booth.

Inulan naman ng batikos mula sa mga netizen ang nasabing lalaki sa viral video.

Dapat tumupad ang lalaki sa napag-usapan nila na presyo dahil napagana naman nito ang kanyang cellphone.

READ:  Bible reflection ngayong araw, tugma di umano sa naganap na magnitude 6.1 na lindol

Saad naman ng iba, dapat ay nag-research na lang sa Google o YouTube ang lalaki at hindi na nagpagawa sa technician kung ayaw nito magbayad.


Like it? Share with your friends!

Leave a Comment