Richard Gordon, nagbigay ng kuwalipikasyon para sa susunod na pangulo ng bansa

Nagbigay si Sen. Richard Gordon ng ilang kuwalipikasyon para sa susunod na pangulo ng bansa.

Aniya, naghahanap na umano ang mga Pilipino ng isang pangulo na puwede nilang ipagmalaki, may takot sa Diyos at hindi pumapatay.

“I’ve said this before and I hope the President forgives me for doing this, but if he doesn’t, that’s the way it is. You make your bed, you sleep in it,” dagdag ni Gordon.

Sa ngayon, wala pang pinal na salita si Pangulong Rodrigo Duterte kung siya ba ay tatakbo bilang vice-president sa 2022 national elections o pipiliin na magretiro kapag natapos ang termino sa susunod na taon.

Maaari pang magpasya ang Pangulo hanggang Oktubre kapag ang mga aspirants ay magfa-file ng certificate of candidacy para sa botohan sa Mayo 2022, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.

“At this point, we cannot definitely say that he will or will not run and that’s his right because he has until October to decide,” ayon kay Roque.

Sa naging talumpati ng Pangulo, inamin niyang “good idea” ang pagtakbo bilang bise presidente sapagkat mayroon pa siyang mga “unfinished business” partikular sa paglaban sa problema ng ilegal na droga at korapsyon.