in

Pilipinas, ikalawang bansa na mangingibabaw sa ekonomiya sa 2019-2028 ayon sa Oxford Economics

Pumalo sa ikalawang puwesto ang Pilipinas na mangingibabaw sa pandaigdigang ekonomiya sa susunod na dekada ayon sa February report ng Oxford Economics.

Ayon sa post ng Business Insider, karamihan sa mga bansang ito ay nasa Asya kabilang ang Pilipinas na pinamumunuan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Currently led by the brash strongman Rodrigo Duterte, the Philippines are, much like Indonesia, a large island group with huge economic potential. The Philippines is set to have the highest increase in its labour force of any of the top 10 which, alongside its GDP growth of 5.3%, means it will be one of the world’s fastest growing economies sooner rather than later.” sabi sa artikulo ng Business Insider.

Numero uno sa listahan ang India na may Gross Domestic Product (GDP) growth na 6.5%.

Kasali din sa listahan ay ang mga bansang Indonesia, China, Malaysia, Turkey, Thailand, Chile, Poland at South Africa.

Ang magandang balita mula sa Oxford Economics ay kabaligtaran sa gustong ipinta ng mga kritiko ng administrasyon ni Pangulong Duterte.

Kahit pinapalabas umano ng ilang kontra sa kasalukuyang administrasyon na bumabagsak daw ang ekonomiya ng Pilipinas.

Mababatid na ginamit ng ilang kritiko ng administrasyon ang mataas na inflation rate noong nakaraang taon para banatan ang gobyerno.

Patuloy naman ang mabagal na paggalaw ang presyo ng mga bilihin matapos maitala ang 3.3% inflation rate noong Marso.

Batay sa Philippine Statistics Authority (PSA) report, ito na umano ang pinakamababa ngayong taon mula sa 2.9% na naitala noong 2017.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment