Galawang Hokage ni Chavit Singson kay Miss Universe 2018 Catriona Gray, pinagkatuwaan ni Pangulong Duterte

Galawang Hokage ni Chavit Singson kay Miss Universe 2018 Catriona Gray, pinagkatuwaan ni Pangulong Duterte

Pinagtripan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis “Chavit” Singson sa viral video nito sa social media habang inaantok katabi si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa Las Vegas, Nevada.

Sa kanyang talumpati matapos pasinayaan ang Candon Bypass Road sa Ilocos Sur ay biniro ng Pangulo si Singson na masuwerte sa pagkakaroon ng pagkakataon pero sana ay magtagumpay ito sa susunod na misyon nito sa Miss Universe.

Ipinakita aniya sa kanya ni Senator Bong Go ang viral video ni Singson kung saan kapuna-puna ang tila pagtutulog-tulogan nito para makasandal sa balikat ni Cartiona Gray.

“Sir, ah you know I my — you have my deepest respect. Pero itong si Bong sige siya pinapanood niya ‘yung gimmick mo doon sa… Sabi niya, ‘Tignan mo talaga si Chavit o.’ The ever… Sabi ko, ‘Huwag mong gawin ‘yan baka hindi totoo ‘yan.’ Totoong patulog-tulog siya pero… Well, wala akong… We do not have that kind of opportunity to be… Ikaw ‘yon, sir, ang palagi eh. We can only say good luck and may the next mission be accomplished,” anang Pangulo.

Makikita sa video na kuha noong Pacquiao-Thurman fight sa Las Vegas, ang halata umanong nagkukunwaring inaantok na si Singson na muntik nang makatulog sa balikat ni Cartiona na nasa tabi niya at busy sa cellphone.

Sinabi ni Singson sa isang panayam na humingi na siya ng paumanhin kay Cartiona tungkol sa nangyari at sinabing pagod lang ito noong mga panahong iyon.

“Kararating lang namin, hindi ako nakatulog so jet lag. Nagising naman agad. Hindi lang umabot,” ani Singson.

Sumagot naman daw si Catriona na next time ay siya naman ang sasandal para matulog: “Hindi okay lang, next time ako naman matutulog sa iyo.”

Mababatid na Singson ay isa sa mga major sponsors ng Miss Universe Organization (MUO), at ang MUO mismo ang nagdala kay Catriona sa Las Vegas, para magwagayway ng watawat ng Pilipinas sa laban ni Pacquiao.

WATCH: Humingi ng paumanhin si Narvacan, Ilocos Sur Mayor Chavit Singson kay Miss Universe Catriona Gray dahil muntik siyang makaidlip sa balikat nito noong laban ni Senador Manny Pacquiao.