≡ Menu

Ilang miyembro ng media sector, parte ng rebolusyonaryong kilusan ayon sa dating NPA

Ilang miyembro ng media sector, parte ng rebolusyonaryong kilusan ayon sa dating NPA

Humarap sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang mga dating rebelde na isinalaysay kung paano sila naging kasapi ng militanteng grupo.

Nagpakilala bilang Agnes Reano ang isang dating rebelde na ni-recruit ng grupong Alliance of Students Against Tuition Fee Increase.

Kuwento ni Reano, dati siyang mag-aaral sa Ateneo de Naga University nang makumbising sumali sa League of Filipino Students (LFS).

“I questioned the very principled tenets of the movement. Am I really serving my people? Talaga ba akong nagsisilbi sa bayan? Kung nagsisilbi ako sa bayan, bakit ‘yung anak ng may anak ‘di ko mapagpaalam sa magulang at kailangan kong dalhin sa kabundukan?” saad ni Reano.

Sa isang bahagi ng kanyang salaysay, ibinunyag niya na may ilang miyembro ng media sector na sangkot din sa leftist movement.

“I want to ask for an apology to the media sector. Mayroon din sa inyo na kasali sa leftist movement. Hindi ako magmumura pero mayroon din sa inyo – ako po ang kongkretong batayan. Nilubog nila ako sa lungsod ng Lucena para maging announcer sa DWGQ Radyo Serbisyo na pag-aari ni Danding Cojuangco. Pagkatapos namin atakehin at pasabugin ang tulay sa Camarines Sur – inilubog nila ako,” pahayag ni Reano.

Sinabi din ni Reano na namatay ang nursing student na kaniyang ni-recruit noon matapos makipagbakbakan sa militar.

Panawagan niya sa mga militanteng grupo, pauwiin na ang mga estudyanteng nahikayat para makapiling na ulit ang kani-kanilang pamilya.