fbpx
≡ Menu

Ilang KAPA members, nais patakbuhin bilang Presidente ng Pilipinas si Pastor Joel Apolinario

Ilang mga miyembro ng KAPA Community Ministry International Inc. ang nagnanais na patakbuhin bilang Presidente ng Pilipinas ang kanilang founder na si Pastor Joel Apolinario.

Matapos ipasara ng gobyerno ang organisasyon, nagsagawa ng rally sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang mga miyembro ng KAPA para hilingin kay Pangulong Rodrigo Duterte na payagan ang kanilang operasyon at hayaan silang mabigyan ng biyaya.

Naniniwala naman ang ilang miyembro ng KAPA na ito na ang sagot sa kahirapan sa Pilipinas.

May ilang KAPA member na taga-suporta ni Pangulong Duterte ang nagpahayag ng pagkadismaya sa naging hakbang ng gobyerno.

Sa ngayon, may ilang miyembro ng organisasyon ang nagtutulak kay Pastor Apolinario na tumakbo sa pagka-Presidente sa 2022.

Narito ang ilang pahayag ng mga miyembro ng KAPA sa social media:

DR. PASTOR JOEL APOLINARIO FOR PRESIDENT 2022 KASI SIYA LANG ANG NAKA-SOLVE SA PROBLEMA NG POVERTY WHICH IS THE FIRST AND BIGGEST PROBLEM OF THE PEOPLE OF THE PHILIPPINES!
Politika ang dahilan ng lahat ng pangyayario dito. Ayaw nilang dadami ang member ng KAPA dahil pagdating ng 2022 kapag tumakbo si Pastor Joel Apolinario sa pagka-Pangulo tiyak mananalo siya.

Pangalawa, ayaw niyong umasenso ang mahihirap dahil kapag marami ng pera ang mahihirap hindi na nila kayang bayaran para sila ay mananalo kapag darating sa eleksyon kaya ang gawin nila poor the people and buy the people upang mananatiling sila ang humahawak sa kapangyarihan sa gobyerno kaya ngayon palang gawin nila lahat para mahinto ang pagdami ng member ng KAPA.