fbpx
≡ Menu

Vice Ganda, tatakbo umano bilang Pangulo kapag hindi na-renew ang franchise ng ABS-CBN

Sa isang segment ng “It’s Showtime”, nagbiro si Vice Ganda tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN na hindi pa nalalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nabanggit ng isang contestant ang anti-fencing law kaya naungkat ang tungkol sa franchise renewal ng istasyon.

Sa ngayon, pending pa rin ang House Bill No. 4349 simula noong Nobyembre 2016 ngunit bubuksan muli ito sa darating na pagbubukas ng 18th Congress sa Hulyo 22.

“Ignorance of the law excuses no one,” pahayag ni Vice kaya’t humirit si Jhong Hilario, na bakit hindi na lamang siya tumakbo bilang Presidente.

Ayon kay Vice sinabi raw sa kaniya ni Pangulo Duterte na, “Pagkatapos ko, ikaw magiging presidente. Ako bahala.”

Nang tanungin kung Presidente ba ang tinutukoy nito, “Oo, Presidente agad. Siyempre ‘no, di nga tayo alam kung mari-renew, so magpi-Presidente agad para may work ako. Charot lang.”

Ang franchise renewal ng ABS-CBN ay mawawalan ng bisa sa Marso 2020 at kailangang mapirmahan ang bill na naglalayong makapag-franchise pa ang network ng 25 na taon.