in

Pangulong Duterte, pirmado na ang batas na maghahati sa Palawan sa tatlong bagong probinsya

Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na hahati sa Palawan sa tatlong probinsiya – Palawan del Norte, Palawan Oriental, at Palawan del Sur.

Nakasaad sa naturang batas tatagawing Palawan del Norte ang mga bayan ng Coron, Culion, Busuanga, Linapacan, at ang mainland ng El Nido at Taytay ang magiging kapital nito.

“The terrestrial jurisdictions of the newly created provinces shall be within the present metes and bounds of all the municipalities that comprise the respective provinces,” saad sa batas.

Magiging sentro naman ng Palawan Oriental ang mga bayan ng Roxas at San Vicente, kung saan sakop nito ang Araceli, Dumaran, Cuyo, Agutaya, Magsaysay, at Cagayancillo.

Habang ang Palawan del Sur ay bubuo-in ng mga bayan ng Aborlan, Narra, Quezon, Rizal, Sofronio Española, Bataraza at Brooke’s Point na magsisilbi nitong capital.

Kasama na din dito ang island munisipalities na Balabac at Kalayaan.

Inaasahan magkakaroon ng equitable shares sa paggamit at pagdevelop ng national wealth sa loob ng kani-kanilang terrestrial at maritime jurisdiction.

Magkakabisa ang bagong batas 15 araw makaraan itong mailathala sa Official Gazette o sa mga pahayag na mayroong general at local circulation.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment