in

Babae, nagpaputol ng paa para mailabas sa gumuhong supermarket sa Porac, Pampanga

Pinili ng 25-anyos na babae na ipaputol ang kaniyang paa para lang makalabas siya sa gumuhong Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga dahil sa malakas na lindol noong Lunes.

Tatlong oras umanong na-trap ang biktima na si Maria Martin sa gumuhong gusali kung saan siya nagtitinda ng mga cellphone.

Hindi umano siya nakalabas agad ng gusali nang lumindol dahil naipit ang kanan niyang paa sa mga bumagsak na concrete debris.

Kuwento ni Martin, puputulin na sana niya ang paa niya dahil nakakita siya ng kutsilyo para lang makatakas sa guho.

“Puputulin ko na po yung paa ko. Nakakita po ako ng parang kutsilyo siya, ako na lang puputol para makatakas ako dito. Naisip ko lang po nang wala pang dumating na tulong,” kuwento niya.

“Pumayag naman po ako para sa buhay ko din, para sa pamilya ko din,” ani Martin.

Nang makita ng mga rescuer sa ground floor si Martin ay dito mismo ito sinalinan ng dugo dahil sa duguan niyang ulo.

Sa lugar na rin siya nagdesisyon na ipaputol ang kanan niyang paa mula tuhod para sa kanyang buhay at para sa kanyang pamilya.

“Kung ‘di kasi siya putulin ng paa doon siguro tiningnan nila yung viability ng leg na nakaipit, baka lumala pa yung injury niya. So we need to extricate,” ani Dr. Monserrat Chichioco, medical center chief ng Jose B. Lingad Memorial Hospital.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0