fbpx

Kitty Duterte at Honeylet Avanceña, siniraan at idinamay sa black propaganda video ng nagpakilalang Bikoy



Hindi pinalagpas ang iba pang miyembro ng pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panibagong black propaganda video na inilabas ng YouTube channel na Ang Totoong Narco List.

Sa unang video na may titulong Ang Totoong Narco List – Episode 1, hayagang iniuugnay si presidential son at dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa kalakaran ng illegal drug trade sa bansa.

Isang lalaki na nagpakilalang Bikoy ang idinawit ang pangalan ni Paolo sa drug trade, sinabi na nagkakamal umano ito ng milyon-milyon mula sa iligal na droga.

Ibinulgar naman ng mga taga-suporta ng Pangulo na peke at scripted lang ang black propaganda video.

Ipinakita ng kilalang blogger na si Thinking Pinoy ang kanina-hinalang pirma sa nasabing video.

Saad ni Paolo na may ‘stamp’ umano ni Trillanes ang nasabing video na ayon pa sa kanya ay isang uri ng paninirang puri.

READ:  Lolong nagtitinda ng saging na binayaran ng pekeng P1,000, naiyak sa lungkot

“He may deny it, but the video supposedly showing my involvement in the illegal drug trade in the country has been clearly stamped with the indelible Trillanes signature of being a desperate mercenary, one who has done nothing good but attack the government,” ayon kay Paolo.

Pero hindi dito nagtatapos ang paninira laban sa pamilya ng Pangulo.

Sa ikalawang video na may titulong Ang Totoong Narco List – Episode 2, idinamay na nila ang anak ng Pangulo na si Veronica “Kitty” Duterte at kanyang common law partner Honeylet Avanceña.

Ang video ay agad naman na sinopla ng university lecturer at pro-government blogger na si Sass Rogando Sasot.

“Sabi sa video wala raw ni isang big tima drug lord ang naitumba ni Mayor. Nak… mga taga Ozamis agree kayo na hindi big time drug lord si Parojinog? lol,” banat ni Sasot.

Binanatan din ni Sasot ang paratang sa video laban kay Veronica.

READ:  Netizen, ibinahagi ang umano'y sirang fire exit ng Ascott Makati nang mangyari ang magnitude 6.1 na lindol

“Pati si Kitty dinamay na sa tumatanggap ng payola sa droga. PUT—INA. Guyzzzzzz…. ano ba toh? lol,” buwelta pa ni Sasot.


Like it? Share with your friends!

Leave a Comment