fbpx
≡ Menu

MMDA Spox Celine Pialago, naghain ng cyber libel case laban sa anti-Duterte social media pages na nagkalat ng fake news para siraan siya

MMDA Spox Celine Pialago, naghain ng cyber libel case laban sa anti-Duterte social media pages na nagkalat ng fake news para siraan siya

Nagsampa ng reklamong cyberlibel si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Celine Pialago laban sa mga administrators ng anti-Duterte social media pages dahil sa pagkakalat ng maling balita ukol sa kanya.

Inireport ni Pialago sa Philippine National Police–Anti-Cybercrime Group (PNP-ADC) sa Camp Crame ang mga social pages na nagkakalat ng fake news.

Sinimulan nang hanapin ng PNP-ACG ang mga administrators ng mga inireklamong social pages.

“I will be filing cyberlibel against Facebook pages that spread fake news — fake news in a sense that they are putting words in my mouth. I never said those statements, and all of these affect all of us at the MMDA,” ani Pialago.

Ayon kay Pialago, nagpost ang mga social pages ng kanyang larawan na may caption na, “MMDA sa commuters: Kung nahihirapan sumakay, huwag na lang pumasok.” bagay na ayon kay Pialago ay hindi niya sinabi at fake news.

“What government official in his right mind would say that? I never said that. So those other pages planning to smear me more, do it better because I will fight immediately,” aniya.

“If you are using my photo bashing me, that’s fine. That’s part and parcel of my job. If you are not satisfied with my job as MMDA spokesperson, that’s fine also. But putting words on my mouth and making it appear that I’m such an insensitive spokesperson, and making it appear that I uttered words I never said, that’s basically and technically unfair,” dagdag pa niya.

Layon lamang aniya na siraan siya ng Facebook page na Laugh Pinoy Page at Twitter page na Barurot News.

Samantala, nangako naman si Police Colonel Ramon Gamboa, chief ng cyber response unit, na iimbestigahan ang nangyari.

“‘Yung mga identity ng tao dito, naka-hide so ‘yun ‘yung ating iniimbestigahan ngayon, kung sino ‘yung administrator,” paliwanag ni Gamboa.