fbpx

Tunay na dahilan ng pagkamatay ni Chokoleit sa out-of-town show sa Abra, inilabas na



Binawian ng buhay ang komedyanteng si Jonathan Aguilar Garcia, o mas kilala bilang Chokoleit, matapos mag-perform sa isang out-of-town show sa Abra.

Nasa Abra si Chokoleit para sa Kawayan Festival 2019 kung saan nag-stand up comedy at kumanta ito sa harap ng madla.

Kapansin-pansin sa kanyang set ang paninikip ng dibdib na nagdulot ng kanyang pagkahirap sa paghinga, at matapos ang performance ay isinugod si Chokoleit sa isang ospital ngunit binawian din agad ng buhay.

Ayon sa isang report ng The Filipino Times, naglabas ng pahayag ang attending physician ni Chokoleit na si Dr. Rosauro Searas.

Ayon kay Dr. Searas, ang tunay na kinamatay ni Chokoleit ay pulmonary edema at heart attack.

Ang pulmonary edema o tubig sa baga ay isang kondisyon kung saan napupuno ng tubig ang baga ng isang tao.

Ang pagkakaroon ng sakit sa puso ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng tubig sa baga. Kapag ang pasyente ay may problema sa puso, mahihirapan na itong magbomba ng sapat na dugo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

READ:  Pangulong Duterte, personal na nakiramay sa mga biktima ng magnitude 6.1 na lindol sa Pampanga

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang ilang kasamahan sa industriya sa pagpanaw ng 46-anyos na komedyante.

“Thank you Lord for giving me a chance to meet Chokoleit and become his friend. I’m sad that we lost him. But happy that he’ll be in a much peaceful and happier place now with you. Thanks for everything Chokie. I love you! Rest well my friend,” ayon sa tweet ni Vice Ganda.

“RIP Chokoleit. The laughter and happiness you brought to everyone will surely be missed. Such a sad day,” pakikiramay naman ni Paulo Avelino.

“So sad to hear about Chokoleit. Prayers of grace for his loved ones. RIP dear friend,” saad sa tweet ni Ogie Alcasi.


Like it? Share with your friends!

Leave a Comment