fbpx
≡ Menu

FDA, naglabas ng listahan ng mga brand ng de-latang karne na apektado ng ASF

FDA, naglabas ng listahan ng mga brand ng de-latang karne na apektado ng ASF

Inilabas ng Food and Drug Administration (FDA) ang listahan ng mga brand ng inangkat na de-latang karne na ipina-recall nila dahil gawa ang mga ito sa mga bansang tinamaan ng African Swine Fever (ASF).

Ito ay kasunod na ng apela ng Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI) na pangalanan ang mga brand dahil umano sa posibleng maging epekto sa mga local brands.

Kasama sa mga ipina-recall ng FDA na brand ang mga sumusunod:

  • Narcissus
  • Heaven Temple
  • Ma Ling
  • Shabu Shabu
  • Sol Primo
  • Wang Taste of Korea
  • Highway
  • Sky Dragon
  • Weilin

“Kung talagang totoo sila na they will be good, for the good of the welfare of the consumers, sabihin nila, itong brand na ito, huwag kayong bumili. That would be safer for all of us,” ani PAMPI President Boy Tiukinhoy.

Matatandaang iniutos ng FDA sa mga importers, dealers and distributors na bawiin ang mga pork product sa mga bansang may ASF.

Ayon kay Food and Drug Administration OIC Eric Domingo na ang ASF ay “highly contagious” na sakit ng mga baboy na nasasalin sa mga tao.

Kabilang sa ipinagbabawal ang mga processed pork meat products ay mula sa bangsang Vietnam, Zambia, South Africa, Czech Republic, Bulgaria, Cambodia, Mongolia, Moldova, Belgium, China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia at Ukraine.

Maaring ikamatay ng mga baboy ang ASF, isang sakit na nagdudulot ng pagdurugo sa kanilang internal organs na maaaring ikalugi ng local pork industry.