fbpx
≡ Menu

Senator-elect Francis Tolentino, nais dagdagan ng isa pang bituin ang watawat ng Pilipinas

Usap-usapan sa social media si Senator-elect Francis Tolentino dahil sa pagmungkahi nito na dagdagan ng isa pang bituin ang kasalukuyang 3 bituin ng watawat ng Pilipinas.

Ayon sa mensahe ni Tolentino sa pagdiriwang ng ika-121 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Davao City, nais niyang dagdagan ng bituin ang watawat para sa Benham Rise.

“I propose a fourth star to the Philippine flag. A fourth star to reflect the Benham Rise, the future Philippines, the future land of the next generation of Filipinos,” saad ni Tolentino.

Nais din umano ni Tolentino na ipagdiwang ang bagong kalayaan sa Pilipinas.

Kabilang na dito ang kalayaan laban sa banta sa ilegal na droga, kahirapan, korapsyon, krimen at ang kalayaan sa pangangalaga sa kalikasan.

Matatandaan na noong 2018, iminungkahi sa Senado ang panukalang batas na maglalagay ng ika-9 na sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga Muslim.