in

Bato dela Rosa, makikipag-bonding kay Leila de Lima sakaling magka-seatmate at makalabas ng kulungan

Para kay incoming senator at dating PNP chief Gen. Ronald “Bato” dela Rosa, wala umanong problema kung sakaling makasama niya ng personal sa Senado ang nakakulong na si Sen. Leila de Lima.

Sa isang panayam, inamin bi Bato na baka magka-seatmate pa sila ni De Lima kung sakali at maganda aniya itong pangyayari.

Ito ay kung makakalaya umano si De Lima sa kanyang pagkakakulong ngayon sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center bago magpaso ang tatlong taon na natitira sa kanyang termino.

Kung maaalala kabilang ang PNP sa nagdiin noon kay De Lima sa isyu ng drug charges.

Si De Lima ay isa sa masidhing kritiko sa kampanya kontra droga ng PNP at administrasyong Duterte.

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin daw makapaniwala si Bato sa nakamit na tagumpay matapos ang 2019 midterm elections.

Ang “feeling” daw ni Bato ay isa pa siyang pulis at hindi pa “nagsi-sink in” na uupo na siya sa puwesto sa nalalapit na panahon bilang isang mambabatas.

Nabanggit na rin ni Bato na sasailalim muna siya sa seminar o training para pag-aralan ang kalakaran ng trabaho sa Senado.

Mababatid na si Bato ay nakapuwesto ngayon sa 5th spot sa “Magic 12” sa nagpapatuloy na partial at official count ng Commission on Elections (Comelec) sa senatorial race.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0