fbpx

Mayor Sara Duterte sa mga kandidato ng Otso Diretso: Tayo na lang ang mag-debate, 1 vs 8



Hinamon ng 1 vs 8 ni Hugpong ng Pagbabago (HNP) chairperson at Davao City Mayor Sara Duterte ang buong senatorial slate ng Otso Diretso.

Hamon ni Mayor Sara, siya na lang ang harapin ng walong kandidato ng oposisyon para sa debate.

Magugunitang paulit-ulit na hinahamon ng Otso Diretso ang mga kandidato ng Hugpong ng Pagbabago para sa isang debate.

Sa pahayag ni Mayor Sara na siya ring campaign manager ng HNP, sinabi nitong siya na lang ang haharap sa mga opposition candidate.

“I have no opinion on the decision of Commission on Elections. I think it is more interesting to watch Inday Sara vs. eight of them. Kami na lang ang mga-debate, 1 is to 8,” ayon sa alkalde.

Ginawa ni Mayor Sara Duterte ang hamon matapos na ibasura ng Commission on Elections ang hirit na debate ng Otso Diretso dahil umano sa kawalan ng oras at lugar.

READ:  Kauna-unahang gulong na pagmamay-ari ng mga magsasaka na Pilipinas Agila Tires, ibinida ng gobyerno

Pambato ni Mayor Sara sina Bong Go, Imee Marcos, Sonny Angara, Pia Cayetano, Ronald dela Rosa, Jinggoy Estrada, JV Ejercito, Dong Mangudadatu, Jiggy Manicad, Koko Pimentel, Bong Revilla, Francis Tolentino at Cynthia Villar.


Like it? Share with your friends!

Leave a Comment