in

Lolo, huli sa video na minomolestiya ang isang batang babae sa loob ng Mang Inasal

Nakapangingilabot ang mga nangyari sa isang viral video kung saan isang matandang lalaki ang nakuhanan habang minomolestiya ang isang batang babae.

Makikita sa video kung paano hinahawakan ng suspek ang ibabang parte ng katawan ng bata sa loob ng isang branch ng Mang Inasal.

Hindi nagpaawat sa kanyang ginagawa ang matandang lalaki kahit maraming tao ang nakapaligid sa kanila.

Tila hindi ito ang unang beses na ginawa ng suspek dahil walang imik ang batang babae habang ginagawa ang krimen.

Ayon sa nag-upload ng video na si Katheryn Molina, nakuha lang niya ang video mula sa isang netizen na nag-share lang din sa Facebook.

Nais ni Molina na kumalat ang video upang matulungan ang bata. Na-report na rin aniya ang insidente sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

BASAHIN ANG BUONG PAHAYAG NI KATHERYN MOLINA:

Ayon naman sa ilang netizens, dapat ay tinulungan na lang ng kumuha ng video ang bata sa halip na kinuhanan ito habang minomolestiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment