in

Neri Colmenares, hindi tanggap ang pagkatalo; nanindigan na bulok ang sistema ng eleksyon

Nanindigan si dating Bayan Muna representative at senatorial candidate Neri Colmenares na hindi siya kailanman magko-concede sa pagkatalo sa tinawag niyang bulok na eleksyon.

Sa kaniyang Twitter post, sinabi nitong malinaw na ang nangyaring botohan ay may kasamang panloloko at panunuhol sa mga tao para mailuklok ang mga “worst kinds of leaders”.

“I will never concede defeat to a rotten electoral exercise that has basically deceived, bribed, intimidated and manipulated our people into electing the worst kinds of leaders imaginable. Tuloy ang laban!” tweet ni Colmenares.

Aniya, kung tapat lamang ang naging eleksyon ay madali para sa kanya na tumanggap ng pagkatalo pero sa pagkakataon na ito ay hindi naging normal ang takbo ng eleksyon.

“It would have been easy to concede had I lost in a fair and honest elections. But this year’s elections were hardly fair or honest,” ani Colmenares.

Base sa partial and unofficial results, hindi pinalad na makapasok sa top 12 senatoriables si Colmenares at nasa ika-24 na pwesto na may 4,651,870 votes.

Samantala, inaasahan na ng Malacañang ang pag-iingay ng ilang makakaliwang grupo kagaya nina Bayan Secretary-General Renato Reyes at Neri Colmenares na sumisigaw ng may nangyaring malawakang dayaan sa katatapos na eleksyon.

“The sovereign voice has spoken. We urge the opposition, the critics and the detractors to bow to the majesty of the rule of the majority, lest we are swept away by the rampaging tidal waves of change,” diing pahayag ni Sec. Panelo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment