in

Babaeng 3-buwang buntis at 4-anyos na anak, pinatay sa sariling bahay sa Pampanga; 12-anyos na suspek, arestado

Isang 25-anyos na tatlong buwang buntis kasama ang kaniyang 4-anyos na anak ang natagpuang patay sa loob ng kanilang bahay sa Lubao, Pampanga.

Tadtad ng saksak sa ibat-ibang parte ng katawan si KC Montemayor at anak nitong si Chelsie Jade nang matagpuan ng padre de pamilya na si Archie Montemayor.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, isang kutsilyo galing sa bahay ng mga biktima ang ginamit sa pananaksak.

Samantala, hawak na ngayon ng pulisya ang isang 12-anyos na suspek sa pagpatay sa mag-ina.

Ayon kay Police Liutenant Colonel Jerry Corpuz, ang hepe ng Lubao PNP, matibay ang mga ebidensya na hawak nila laban sa suspek, kabilang na ang kutsilyo na ginamit nito sa krimen.

Posibleng nairita umano ang suspek dahil napagalitan at minumura ng biktima kaya nagawa nito ang krimen.

Nakatakda ng sampahan ng kasong murder ang suspek, at depende na sa endorsement ng piskalya kung itu-turn over ito sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment