in

Bagitong partylist congressman na nanapak ng pobreng waiter, nag-sorry na: Hindi po ako siga, astig o sanggano

Humingi na ng paumanhin si ‘Ang Probinsyano’ Partylist Rep. Alfred delos Santos sa pobreng service crew na kaniyang sinapak sa loob ng isang restaurant sa Legazpi City, Albay.

Hindi naman itinanggi ni Delos Santos ang ginawang pananapak sa biktimang si Christian Kent Alejo, 20-anyos, na nakunan sa CCTV.

Giit ni Delos Santos, nadala lang umano siya ng kaniyang emosyon kaya niya nagawa ang pananapak sa service crew na umano’y tumingin sa kaniya ng masama dahilan ng pag-iinit ng kaniyang ulo.

Bukod kay Alejo at sa pamilya nito, humingi rin ng paumanhin si Delos Santos sa ‘Ang Probinsyano’ Partylist at sa kaniyang mga kasamahan dahil nadawit pa umano ang mga ito sa kontrobersiya.

Handa umano siyang harapin ang magiging desisyon ng Partylist para aksyunan ang naganap na insidente.

Una nang sinabi ni ‘Ang Probinsyano’ Partylist Spokesman Atty. Joco Sabio na hindi nila kukunsintihin ang naging aksyon ni Delos Santos at kanila na itong iniimbestigahan.

At kung mapatutunayan ang hindi magandang inasal at pananakit ng mambabatas ay hindi umano mangingimi ang partido na suspendihin o tuluyang tanggalin si Delos Santos bilang kanilang kinatawan sa Kamara.

BASAHIN ANG BUONG PAHAYAG NI REP. ALFRED DELOS SANTOS:

I would like to apologize to Christian Kent Alejo and his family for my action, and to our people for failing in their expectation of a public servant. I have no excuse, only regret and the promise that it will not happen again. This single incident does not represent me or my values, and I will prove it by working hard to deliver our party platform and campaign promises to fellow probinsyanos, and from hereon conduct myself as an exemplary public servant worthy of the trust and confidence our people placed on us last election.

I don’t have any excuse for what had happened. Regardless if I am a public servant or a private citizen, I should have not lost control of my emotions.

I am not a bully or a troublemaker. Hindi po ako siga, astig or sanggano. The people who know me well can attest to that.

Still, upon reflection on what had happened, I am really sorry that I have reacted the way I did. I should have known better, for that I am truly sorry. My emotions got the best of me.

I am sorry not only to Mr. Christian Kent Alejo and his family but also to the people who voted for Ang Probinsyano. Sorry for disappointing you.

I am also sorry to my Ang Probinsyano family and to my peers in Congress for dragging you into this controversy. I know you are all disappointed and I humbly accept whatever decision that you make in relation to my nomination in the partylist.

I have already reached out to Mr. Alejo and his family this afternoon and personally extended my apology. I am deeply grateful that they properly received me and accepted my apology. Out of this humbling experience, I have not just learned a lesson but I also gained a new friend who made me understand the meaning of humility and self-restraint.

For our constituents, I hope and pray that you will find in your hearts a way to forgive and understand. I have learned my lesson out of this experience and given the chance, I would certainly commit myself to work even harder to advance the cause of our constituents, the probinsyanos.

PANOORIN: PANANAKIT NG BAGITONG CONGRESSMAN, SAPUL SA CCTV