fbpx
≡ Menu

Founder ng KAPA, aminado na walang solusyon para maibalik ang pera ng miyembro

Founder ng KAPA, aminado na walang solusyon para maibalik ang pera ng miyembro

Muling naglabas ng video ang founder ng Kapa Community Ministry International, Inc (KAPA) na si Pastor Joel Apolinario para sa kaniyang mga miyembro na nananawagan na magsagawa ng synchronize prayer rally.

Sinabi ni Apolinario na sa ngayon ay naka-freeze ang lahat ng pera at assets na nakapangalan sa kaniya at sa kaniyang asawang si Reyna Apolinario matapos ang crackdown ng Duterte administration laban sa iligal na operasyon ng KAPA.

Aminado ang KAPA founder na wala na itong solusyon kung papaano maibalik ang pera ng kanilang mga miyembro na nag-invest ng kanilang pera at tanging panalangin na lamang ang kanilang magagawa.

Dagdag ni Apolinario na kasalukuyang nagtatago dahil sa banta sa kaniyang buhay.

Una nang binansagan na “continuing crime” ang ginagawa ng KAPA na nagtatago sa relihiyon upang makahikayat ng maraming investors ngunit “deed of donation” ang pinapipirmahan upang walang habol ang mga biktma.

Ilang KAPA victims na nag-invest ng malalaking halaga pera ang nanawagan na harapin ni Apolinario ang mga miyembro upang maibalik ang kanilang pera.