Pangulong Duterte may mensahe sa kaarawan ni Mayor Sara: Work Hard for the People. Happy Birthday. I Love You

Pangulong Duterte may mensahe sa kaarawan ni Mayor Sara: Work Hard for the People. Happy Birthday. I Love You

Nagpahayag ng kanyang pagbati si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na nagdiriwang ng kanyang ika-42 na kaarawan.

Sinabi ng Pangulo sa isang video message, sa kanyang anak na maging tapat sa Pilipinas at ipagpatuloy ang pagseserbisyo para sa mga tao.

“Be true to your country. Work hard for the people. And the rewards I think are there, made in heaven, not here. Trabaho ka lang and be good,” ayon kay Pangulong Duterte.

“Happy birthday, I love you,” dagdag pa nito.

Ikinuwento rin ng Pangulo na noong sanggol pa lamang si Mayor Sara ay sinabi na nitong magiging alkalde siya ng Davao City.

“Alam ng nanay niya, when I was cuddling the baby. I’d call her ‘Inday’ and she will be mayor of Davao City,” giit ng Pangulo.

Ayon pa sa Pangulo, bukod sa kaarawan anak, espesyal ang petsang Mayo 31 dahil wedding anniversary ito ng mga yumao niyang magulang.

FRIED CHICKEN NI MAYOR SARA

Bilang pasasalamat ni Mayor Sara sa mga residenteng sumusunod sa mandato ng gobyerno laban sa COVID-19, niregaluhan ng alkalde ang mga distrito sa Davao City na nakapagtala ng pinakamaliit na bilang ng coronavirus case.

Tinupad ng alkalde ang pangako niyang magbibigay ng 10,000 na fried chicken sa mga distritong may pinakakonting kaso ng coronavirus.

Nagwagi ang Cluster 4 at 5 na may limang distrito: Toril, Calinan, Tugbok, Baguio at Marilog dahil pito lang kasi ang COVID-19 case na naitala rito.

Kaya naman binusog ni Mayor Sara ang mga residente sa Toril, Calinan, Tugbok, Baguio at Marilog ng libo-libong fried chicken at juice na ginanap sa Mintal Gym.

Sa kabila nito, ipinatupad pa rin ang physical distancing sa lugar habang nakasuot ng face mask ang bawat residente.

Ayon sa mga residente, ang pakikinig sa gobyerno at pagsunod nila sa “stay at home” ang sikreto kaya mababa lang ang positibo ng COVID-19 sa kanilang lugar.