MANANALO SILA! Duterte-Duterte tandem, tiyak na panalo kung ngayon gaganapin ang eleksyon

Naniniwala ang beteranong pulitiko na si Prospero Pichay na magwawagi ang Duterte-Duterte tandem kung ngayon gaganapin ang eleksyon.

“We it shows in the polls, yes, mananalo sila. Their tandem is number 1. Surveys of SWS and PULSE Asia are accurate. So if it were held today, Duterte-Duterte will win definitely.”

Ayon kay Pichay, hindi na bago na magkaka-apelyido at magkakamag-anak ang mga namumuno sa bansa kaya walang dapat ipag-alala ang publiko sa Duterte-Duterte tandem.

“Hindi naman bago yung Duterte-Duterte eh. Madami nga sa Luzon in the Ilocos. Ang Mayor yung anak, yung vice mayor yung tatay or yung nanay o it’s not a new story. It’s an old story.”

Pero kung ang mga kaalyado ni Mayor Sara ang tatanungin, hindi ito kakasa sa Duterte-Duterte tandem.

Ayon kay Hugpong ng Pagbabago Secretary General  Spokesperson Anthony del Rosario, “Kami po eh sumusuporta sa mga desisyon po ni Mayor Sara. And again I would like to reiterate that Mayor Sara has already said that she is not interested in a Duterte-Duterte tandem.”

Pero kahit ganun ay naniniwala ang HNP na malaki ang posibilidad na tumakbong presidente si Mayor Inday.

Sa kanyang pagbisita sa Cebu, binanggit doon ni Mayor Sara na bukas itong tumakbong pangulo sa 2022.

“So I think it goes without saying that dahil nagsabi na po siya na open siya ay talagang she is really seriously thinking about a possible run for Presidency in 2022. But again we just have to wait for what is the final decision po no. And again Mayor Sara said that she will make that final decision probably early October during the filing period.”

Para naman sa Malacañang, ang resulta ng survey ay sumasalamin sa tiwala ng taumbayan sa liderato ng pangulo.

“Nagpapasalamat kami sa tiwala ng taong bayan na binigay kay President at kay Mayor Sara Duterte. Yan ay nagpapakita na kahit ano pang ipukol ng mga kritiko ni Presidente laban sa kanya ay patuloy pa rin nagtitiwala at naniniwala ang sambayanang Pilipino sa liderato ni President Duterte,” sabi ni Presidential spokeperson Harry Roque.