in

Manila Water, magpapatupad ng “one-time bill waiver” sa mga apektado ng water shortage

Magpapatupad ng “one-time bill waiver scheme” ang Manila Water bunsod ng naranasang water shortage ng ilang lugar sa Metro Manila at probinsiya ng Rizal ngayong buwan ng Marso.

Sa press briefing, sinabi ni Manila Water CEO Ferdinand Dela Cruz na ang scheme ay makikita sa bill ng higit 6 million costumer sa buwan ng Abril.

“To help ease in some way the inconvenience we have caused, with inputs from both MWSS Corporate Office and Regulatory Office, we are announcing a voluntary and one-time bill waiver scheme in March to be reflected in the April bill of our customers,” ani Dela Cruz.

“Pero ang mga “severly affected areas” o iyong walang tubig ng buong araw sa loob ng isang linggo lang ang hindi na sisingilin sa kanilang nakonsumo sa buong buwan ng Marso,” saad ni Dela Cruz.

Para naman po sa pinaka-naapektuhan or the most severely-affected barangays without water for 24 hours for more than a week, they will not be billed for their whole water consumption for March

Maging ang hindi pasok sa kategoryang ito ay hindi na rin naman sisingilin ng minimum charge o equivalent sa halaga ng 10 cubic meters ng tubig o P76 hanggang P656.

“This minimum charge ranges for our lifeline customers of P76 but it also goes to all kinds of customers — lifeline, domestic, semi-domestic, commercial, industrial so it ranges from P76 to P656 for industrial customers, which represents the 10 cubic meters,” sabi ni Dela Cruz.

Sinabi ni Dela Cruz na ang impact sa kanila ng pag-waive sa minimum charge ay aabot sa P150 million o mahigit pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment