fbpx
≡ Menu

Japanese fruit importer na Diamond Star, mag-aangkat ng 100 tonelada ng mangga mula sa Pilipinas

Japanese fruit importer na Diamond Star, mag-aangkat ng 100 tonelada ng mangga mula sa Pilipinas

Ilang araw ang nakalipas mula nang dumating sa bansa si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang kanyang 4-day visit sa Japan, inanunsyo ni Department of Agriculture (DA) Sec. Manny Piñol na isang Japanese fruits importer ang nakatakdang bumili ng 100 tonelada ng mangga sa Pilipinas.

“Five days after the visit of President Rody Duterte to Japan, a Japanese fruit importing company has announced that it is buying 100 metric tons of mango from the Philippines this season,” ani Piñol.

Ayon kay Piñol, napapanahon ito dahil mayroong dalawang milyong kilong surplus o sobrang produksyon ng manga ang Pilipinas ngayon.

Dahil sa sobrang produksyon ay bumagsak ang presyo ng mangga, na ikinatuwa ng mga mamimili, subalit nagdala ng kalungkutan sa mga local mango growers kung saan iniuugnay ang overproduction sa El Niño phenomenon.

Ang kumpanyang Diamond Star aniya na dati nang kumukuha sa Pilipinas ng mangga, papaya, pinya, saging at singkamas ay nagpahayag ng kagustuhang bumili ng malaking volume ng mangga.

Makikipag-ugnayan umano kay Philippine Agriculture attache to Japan Dr. Samuel Animas ang naturang kumpanya para sa importasyon ng mga manga.

“The Japanese company, Diamond Star, which has been importing papayas, pineapple, mango, bananas and even turnips from the Philippines, signified the intent to buy a huge volume of mangoes through Philippine Agriculture attache to Japan Dr. Samuel Animas this week,” saad ni Piñol.

Inaasahan ding lalahok ang mga opisyal ng Diamond Star sa launching ng Metro Mango Marketing Program ng kagawaran.

Mababatid na humingi na ayuda ang mga mango growers sa DA para maibenta ang kanilang ani, kaya naman maglulunsad ang ahensya ng Mango Festival sa ika-10 ng Hunyo 2019 na gaganapin sa DA central office sa Quezon City at sa Bureau of Plant Industry sa Malate, Maynila.